May 25, 2026

Home BALITA Politics

Solon, nanawagang wag munang magbitiw sa pagkasenador si Sen. Ping!

Solon, nanawagang wag munang magbitiw sa pagkasenador si Sen. Ping!
Photo courtesy: MB file photo

Umapela si Lanao del Sur 1st district Rep. Zia Alonto Adiong kay Sen. Ping Lacson na huwag munang mag-resign bilang senador ng 20th Congress.

Sa pahayag ni Adiong noong Linggo, Mayo 24, iginiit niyang ang bansa raw ay patuloy pa ring nakikinabang sa mga karanasan ni Lacson bilang beteranong senador, kung kaya't mahalaga siyang manatili pa rin sa kaniyang posisyon.

"We respectfully appeal to Senator Lacson not to resign. The country continues to benefit from his experience, competence, integrity and independent voice in public service," saad ni Adiong.

Hirit pa niya, "At a time when institutions are under close public observation, principled leaders who can elevate public discourse and contribute to institutional stability remain indispensable."

Matatandaang inamin ni Lacson sa isang panayam noong Mayo 22 na inamin na raw niya kay Sen. Vicente “Tito” Sotto III ang pagnanais niyang magbitiw dahil sa mga kasalukuyang nangyayari sa pulitika.

Politics

Sen. Zubiri umalma kay Sen. Marcos ukol sa cha-cha: 'Inday badiday na ba tayo rito'

“Dati, kami ‘yong big brother, e.  Kami ‘yong check and balance. Kami ‘yong taga-check sa House. Pero ngayon ang sitwasyon ay naiba. Mas mataas ‘yong…pagtingin ng tao sa House of Representatives kaysa sa Senado. Nakakalungkot ito,” saad ni Lacson.

Dagdag pa niya, “Minsan nag-iisip akong mag-resign, e. Naipahayag ko na rin 'to kay Tito Sen na parang plano ko na mag-resign na lang as senator dahil sa nangyayari. Sabi niya sa akin, ‘Huwag naman.’”

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Lacson, bet nang layasan ang Senado

Si Lacson ay kasalukuyang miyembro ng Senate minority bloc matapos mapatalsik ang liderato ni Sen. Tito ng Senate coup kung saan nailuklok si Sen. Alan Peter Cayetano bilang Senate President.