May 25, 2026

Home BALITA Metro

Caritas PH, tinawag na 'ecological violence' pagpuputol ng puno sa Quirino Avenue

Caritas PH,  tinawag na 'ecological violence' pagpuputol ng puno sa Quirino Avenue
Photo Courtesy: Caritas PH (FB)

Kinondena ng social action network na Caritas Philippines ang pagpuputol ng mga puno sa kahabaan ng Quirino Avenue sa lungsod ng Maynila, na nauna nang umani ng reaksiyon sa ilang mga personalidad at netizens.

Sa latest Facebook post ng Caritas PH nitong Lunes, Mayo 25, sinabi nilang ecological violence umano laban sa mga Manileño ang ginagawang pagpuputol sa mga puno na deka-dekada nang umiiral.

“The mass cutting of decades-old trees along Quirino Avenue is an act of ecological violence against the people of Manila, a direct assault on the poor who have been enduring the daily penance of extreme heat, poisoned air, and sudden floods. This act is not simply a technical or bureaucratic detail,” saad ng Caritas PH.

Ayon sa kanila, mahabang panahon nang nagsisilbi ang mga puno sa Quirino Avenue bilang “silent protectors” at “lungs of the community.”

Kaya naman kinuwestiyon ng Cartias PH kung bakit laging kinakailangang masakripisyo ang bulnerableng sektor sa pag-unlad na isinusulong ng iilan.

Metro

DSWD, magbibigay ng ₱15k ayuda sa pamilya ng nasawing babae sa payout

Anila, “We refuse to hide this injustice behind bureaucratic language. What is legal on paper is not automatically moral in the eyes of God.”

Binanggit din nila ang umano’y nakasaad sa Laudato Si' ni Pope Francis hinggil sa pinsala ng “throwaway culture” na banta sa kalikasan at sa mga bulnerableng mamamayan.

“The climate crisis is a present, urgent and unquestionable reality. In Manila, every mature tree destroyed is a moral failure. It is a wound inflicted on our common home,” dugtong pa ng Caritas PH.

Bilang simbahan, nanindigan ang Caritas PH laban sa anomang uri ng development na sumisira sa mga nilikha ng Diyos at nagpapalalim ng pagdurusa ng sangkatauhan.

Sa kasalukuyan, mula sa 617 puno na nakatakdang putulin, mahigit 200 na rito ang napuputol na pinamayagan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). 

Ang pagpapaputol sa mga naturang puno ay bahagi ng konstruksyon ng Southern Access Link Expressway Project (SALEX).