Kinilig at napa-sana all na lamang ang mga tagahanga ng basketball star na si Kobe Paras matapos ibalandra ang kanilang sweet moments ng rumored girlfriend na si Erika Rae Poturnak, sa kanilang paglalagalag sa Bali, Indonesia.

Sa pamamagitan ng kaniyang sunod-sunod na Instagram stories ay ipinamalas ni Paras ang kanilang mga litrato ni Erika. Sa todo raw ng public displays of affection (PDA) ng dalawa ay mahihinuhang magkarelasyon na sila.

Si Kobe ay anak ng basketball player at komedyanteng si Benjie Paras kay Jackie Foster habang si Erika naman ay anak ni Sabado Night sexy star Ina Raymundo.

Sa Instagram post naman ni Kobe, Hunyo 28, makikita ang lambingan nila ni Erika sa comment section.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"From Bali with love," saad sa caption.

Nagkomento naman dito si Erika.

"You got a great photographer."

Tugon naman ni Kobe, " I really do! thank you Ms. Photographer."