Ibinahagi ni outgoing Senator Leila de Lima na umaayos na ang kaniyang pakiramdam matapos sumailalim sa isang operasyon kamakailan.
Sa isang tweet nitong Lunes, Hunyo 27, pinasalamatan niya ang kaniyang mga supporters at kaibigan na nanalangin para sa kaniya.
"Discharged from the hospital yesterday. Still recovering from a major surgery. Still experiencing some pains but I feel generally fine," aniya.
"Maraming salamat po sa inyong mga dasal at malasakit. Thank you, dear Lord," saad pa niya.
Matatandaang na-diagnose ang mambabatas ng Pelvic Organ Prolapse Stage 3 at inabisuhang sumailalim sa Vaginal Hysterectomy with Anterior and Posterior repair.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/26/balik-kulungan-na-de-lima-nakalabas-na-ng-ospital/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/26/balik-kulungan-na-de-lima-nakalabas-na-ng-ospital/