Umalma maging si Meme Vice Ganda sa panibagong talak ng talent manager na si Anabelle Rama sa isang contestant sa “It’s Showtime,” kung saan walang preno itong nagkomento ukol sa pagpapa-enhance ng puwet na nauuso aniya ngayon.

Nagbabalik bilang hurado sa segment na “Showtime Sexy Babe” ang Cebuana celebrity mom na si Anabelle nitong Lunes.

Kagaya ng mga previous episodes ay isa na namang prangkang komento ang binitawan ng talent manger sa isang Sexy Babe contestant.

“Maganda ka, nakikita ko paglabas mo pa lang sa TV. Telegenic ka. Maganda ka magsalita, loud and clear. Maganda ang height mo. Isa lang ang problema mo day,” saad ni Anabelle sa unang contestant na si Kim.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Dagdag niya, may pag-asang pumasok sa mga beauty pageants si Kim sa alindog nito.

May ilang payo naman ang talent manager sa aspiring beauty queen.

“Nag-work out ka ‘di ba nakalagay dito, dagdagan mo pa. ‘Pag labas mo napansin ko ‘yung braso mo ang nipis-nipis, so kailangan ka mag-ano [workout] para lumaki ba. Proportions [ang] katawan mo,” sey ni Anabelle.

Hindi pa rito nagtapos ang komento ng celebrity mom na parehong ikina-tense ng hosts at mga anak na kapwa hurado ng segment.

“Isa pa napansin ko sa’yo, ‘yung butt mo, ‘yong puwet mo. Kulang ka doon. ‘Di ko sinabing magpagawa ka kasi magpagawa ka panget. Kasi ang fake para kang nagdala ng unan sa likod mo,” prangkang saad ng talent manager na agad inalmahan ni Meme.

“Preno-preno naman Tita Anabelle ang sakit naman nang ‘pag nagpagawa…grabe heart-shaped ‘to,” pabiro at natatawang saad ni Vice na aminadong nagpa-enhance ng kaniyang puwet.

“Kasi marami akong nakikita ngayon para maging sexy sila, naglalagay sila pero di maganda tignan. Halatang-halatang fake,” segunda pa ni Anabelle.

Sunod na dinepensahan ng host ang komento ni Anabelle na tila taliwas sa kasalukuyang tema ng body positivity.

“Makikita mo talaga ang point of view ng iba-ibang henerasyon,” saad ni Vice habang idinagdag na maraming may nanay ang hindi pa bukas sa enhancement na kasalukuyan namang niyayakap ng makabagong henerasyon.

Hindi naman mapigilang parehong ma-tense ng magkapatid na si Ruffa at Raymond sa kanilang mom na kilala sa mga prangkang komento nito.