Inamin na ni Kapuso actress-singer Rita Daniela na siya ay nagdadalantao, sa "Queendom segment" ng musical variety show na "All-Out Sundays" ngayong Linggo, Hunyo 26.

Aniya, wala naman daw siyang planong itago ito. Humahanap lamang siya ng pagkakataon at oras upang ibahagi ito sa publiko.

"I'm so happy and proud to say that I am soon to be a mother!" emosyunal na pag-amin ni Rita.

"Wala naman po akong planong ilihim ito. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life," aniya pa.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Bago ang aktuwal na pag-amin, nai-plug na ito ng AOS na may "life-changing reveal" ito na kailangang abangan at pakatutukan ng avid fans ni Rita at viewers ng show. Matatandaang may mga kumakalat na blind item hinggil sa actress-singer daw na buntis.

Ang ama ng kaniyang anak ay non-showbiz boyfriend.