Tuluyan nang sinimulan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Davao Region ang pamamahagi ng final tranche ng fuel subsidy para sa mga driver at operator ng public utility vehicle (PUV).

Kabilang sa makikinabang sa subsidiya sa rehiyon ang 628 operators ng Utility Vehicle Express at 5,196 na taxi.

Makakakuha naman ng panibagong card ang 708 public utility units na dati nang nagkaproblema sa pagtanggap ng subsidiya.

Nagkakahalaga ng ₱6,500 ang laman ng bawat ng card na gagamitin sa pagkarga ng gasolina at hindi ito maaaring i-convert ng cash.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Gayunman, binigyang-diin ni LTFRB chief Martin Delgra III, na magkakaroon na ng kapangyarihan ang administrasyong Marcos kung itutuloy pa nito ang programang "Pantawid Pasada." 

"We hope for that. But the new leaders, I think, they will not overlook the situation of the transport sector at this time of pandemic and fuel surcharge," pahabol pa ni Delgra.

PNA