Patay ang isang wanted na kasapi ng communist terrorist group (CTG) matapos umanong makipagbarilan sa mga awtoridad na ikinamatay din ng isang pulis sa Pasay City nitong Hunyo 24, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Dead on the spot ang suspek na kinilalang si Hubert Aplacador, alyas Panggoy, nasa hustong gulang, nahaharap sa kasong murder sa Masbate, sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Binawian naman ng buhay sa San Juan De Dios Medical Center si Staff Sergeant Nikki Codera, nakatalaga sa Masbate 2nd Provincial Mobile Force Company, dahil sa tama ng bala sa katawan dahil sa tama ng bala sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa naturang pagamutan ang kasamahan ni Codera na si Lt. Rogelio Walay, dahil sa tama ng bala sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sa police report, papalapit na ang grupo ni Walay sa pinagtataguan ni Aplacador sa 157 P. Santos Interior, Barangay 157, Malibay, dakong 4:40 ng madaling araw nang bigla umano silang paputukan ng suspek.

Dahil dito, nagkaroon ng engkuwentro na ikinasawi nina Aplacador at Codera. Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.