Magpapatupad na naman ng taas-presyo sa diesel at kerosene habang magkakaroon naman ng rollback sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo.
Kaagad na idinahilan ng Department of Energy (DOE) na mas mataas pa rin ang demand ng diesel kaya tuloy pa rin ang paglobo ng presyo nito.
"Magkaiba ang galaw -- gasolina bumaba, diesel tumaas magkaiba ('yung) merkado at demand mas mataas pangangailangan ng diesel may tightness sa supply, including sa commercial," banggit ni Rodela Romero, assistant director ng DOE.
Nilinaw ng DOE na kahit bumababa ang presyo ng imported gasoline, maaari itong kainin ng tinatawag na premium, paghina ng piso kontra dolyar, at iba pang patong sa pag-angkat ng petrolyo.
"Kung sa ngayong maliit pa lang ang adjustmentay may posibilidad tumaas pa ito dahil sa premium at sa pagbili freight biofuels... Wala tayong control dun," anito.
Sa unang apat na araw ng kalakalan sa pandaigdigang merkado, aabot pa sa P0.80 ang ipinatong sa diesel, at P0.16 sa kerosene. Umabot naman saP0.22 ang rollback sa presyo ng gasolina.