Pinadapa ng Barangay Ginebra ang San Miguel Beer, 75-72, sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena nitong Biyernes.

Kumayod nang husto si Christian Standhardinger nang isalansan nito ang 20 puntos, 10 rebounds, limang assists, at apat na steals.

Umagapay din sa kanya si Japeth Aguilar na kumana ng double-double--15 puntos at 14 rebounds.

Dahil sa mala-dikyang depensa ng Gin Kings, anim na puntos lang ang naging produksyon ni June Mar Fajardo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang pagkapanalo ng Gin Kings ay pabaon kay coach Tim Cone sa pagtungo nito sa United States upang sumali sa bench ng Miami Heat sa NBA Summer League.

Naging 4-1 na ang kartada ng Ginebra habang bumagsak sa 3-1 ang Beermen.