Isa sa mga paikot-ikot na tsika sa maraming dahilan daw ng paghihiwalay nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ay nang matangayan ang Kapuso actor ng malaking halaga ng pera, ng isang kaibigang pinagkatiwalaan at inakalang makatutulong upang mapalago pa ang savings nilang mag-asawa.

Tumataginting na nasa ₱20M daw ang halaga ng perang nalimas sa kaniya ng naturang kaibigan, na kung magkagipitan na, ay baka maungkat at lumutang ang pangalan. Imbes na pambili raw sana nila ng resthouse ni Carla ang naturang pera ay naglaho itong parang bula.

Nabanggit niya ito sa opisyal na pahayag na ipinadala ng kaniyang manager sa 24 Oras, flagship newscast ng GMA Network.

"I will no longer dwell on the reasons why our marriage fell apart. So many lies have been said of me which are completely untrue and utterly unfair. I may have fallen short as a partner, especially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility, but it must be stressed that at no time did I ever leave a hand on Carla," saad ni Tom.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/17/carla-had-given-up-on-our-marriage-tom-rodriguez/">https://balita.net.ph/2022/06/17/carla-had-given-up-on-our-marriage-tom-rodriguez/

Napaulat din na humingi umano ng tawad si Tom sa mga napangakuan niyang tutulungan matapos nitong magsumite ng certificate of candidacy o COC para sa isang party­list group dahil sa pag-aakalang lalago ang kaniyang ibinigay na pera sa kaibigan at makatutulong siya sa iba pang non-government agencies o NGO.

Anyway, pareho nang naglabas ng pahayag sina Carla at Tom tungkol sa kanilang pinag-uusapang hiwalayan, na hanggang ngayon daw ay patuloy pa ring pinanghihinayangan.

Sa comment section ng kaniyang YouTube channel ay sinagot ni Carla ang mga akusasyon sa kaniya ng mga netizen.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/16/carla-sumabog-na-binasag-ang-katahimikan-tungkol-sa-isyu-ng-hiwalayan-nila-ni-tom/">https://balita.net.ph/2022/06/16/carla-sumabog-na-binasag-ang-katahimikan-tungkol-sa-isyu-ng-hiwalayan-nila-ni-tom/