Todo raw ang pag-iingat at pag-alalay ni Gerald Anderson sa kaniyang leading lady na si Ivana Alawi, lalo na sa maaalab na eksena nila para sa teleseryeng "A Family Affair" na malapit nang mapanood sa Kapamilya Channel at iba pang free TV at social media platforms nito.

Ito kasi ang unang lead role ni Ivana, at unang beses din nilang nagkatrabaho ni Gerald. Hindi maiiwasan ang mga steamy scenes lalo't mag-asawa ang magiging papel nila rito.

Ipinaliwanag naman daw ng kanilang direktor na si Direk Jerome Pobocan ang kanilang gagawin kaya hindi na siya masyadong kinabahan.

Ngunit mas nag-alala siya para kay Ivana dahil ito nga ang unang beses na sasalang sa ganoong eksena ang actress-vlogger.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Minsan kapag feeling ko hindi na ganoon ka-komportable, o medyo may nakikita o revealing, titingnan ko si direk," saad ng aktor.

Aniya, namangha naman siya sa ipinakitang pag-arte ni Ivana sa mga eksena nila.

Makakasama nila rito ang iba pang leading men na sina Jameson Blake, Jake Ejercito, at Sam Milby. Eere na ito sa Hunyo 27 na magiging kapalit ng "The Broken Marriage Vow".