Kuntento na si Vice Ganda sa takbo ng kaniyang buhay kabilang ang kaniyang matagumpay na karera sa showbiz, at ang masayang relasyon nila ng asawang si Ion Perez.

Hindi naman iniisip ng Kapamilya star ang malalaking plano sa hinaharap dahil ini-enjoy lang nito ang bawat araw.

“Seriously, big plans, wala. Nagko-concentrate ako sa araw-araw. I want to make sure that today, masaya siya [Ion], masaya ako. I want to make sure na today may ginagawa siyang nagpapasaya sa kaniya. Ako rin, I want to make sure today, okay kami, hanggang matapos yung gabi, ta’s bukas ulit,” masayang sabi ni Vice sa panayam ni Kaladkaren sa YouTube vlog nito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Para kay meme, “settled” na siya sa kaniyang kasalukuyang buhay.

“Okay na ko sa maraming nangyayari sa paligid at sa buhay ko. Gusto ko na lang i-maintain. Okay na ‘ko sa ganoong takbo sa buhay. ‘Yung wala kaming hinahanap. Wala kaming gusto pa…gusto ko na lang ‘yung kalmang buhay,” ani Vice.

Napansin naman ni Kaladkaren na kuntento na buhay si Meme kung saan sunod na ibinahagi nito ang mga dahilan ng kanyang kalmadong disposisyon.

‘Ini-enjoy ko ‘tong bahay na ‘to. Ini-enjoy ko si Ion. Ini-enjoy ko ‘yung sarili ko, ‘yung pamilya ko. ‘Yung karera ko na matagal kong ipinanalangin. ‘Yung kinikita ko ngayon,” ani Vice.

Basahin: Takot nga ba si Vice Ganda na ipagpalit siya ni Ion sa isang babae? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, aminado naman si Vice na sumagi noon sa kanyang mga plano ang magkaroon sila ng baby ni Ion.

“There was a point din na naisip ko yung pagbe-baby. Pero sabi ko mahirap. Hindi sapat na may pera ka lang. Hindi ko alam kung ready ‘yung utak ko. Sabi ko, ‘Park muna natin ‘yan.’ Hindi ‘yan minamadali. Kung mangyayari, mangyayari. Pero ngayon, enjoy ko muna si Ion,” saad ni Meme.

Dagdag niya, hindi lang sa pinansyal na aspeto dapat maging handa ang isang magulang.

“Maraming factors ‘yan eh. Hindi lang puro pera. ‘Di ba ‘yung iba, sinasabi, ‘wag ka muna mag-magulang kasi wala kang kakayahang mag-provide. Minsan kaya mo naman mag-provide, hindi lang kasi ‘yun ang pino-provide,” saad ni Vice.

Walong buwan nang kasal sina Vice at Ion.