Napatayang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang mga sundalo sa San Fernando, Camarines Sur nitong Biyernes, ayon sa pahayag ng Philippine Army (PA).

Binanggit ni PA-9th Infantry Division (ID) spokesperson Maj. John Paul Belleza, hindi pa nila nakikilala ang napatay na rebelde.

Sa report ng militar, nagresponde ang mga sundalo bilang tugon sa impormasyong namataan ang mga armadong lalaking pawang miyembro ng NPA sa Barangay Gñaran, San Fernando nitong Hunyo 17.

Bigla umanong pinaputukan ng mga rebelde ang tropa ng gobyerno hanggang sa magkaroon ng engkuwentro.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Matapos ang walong minuto, tumakas ang mga rebelde at iniwan ang napatay na kasamahan.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isa M16 rifle, isang magazine ng M16 rifle, 17 rolyo ng bala at iba pang subersibong dokumento.

PNA