PANGASINAN -- Tinamaan ng kidlat ang pitong magsasaka sa Sitio Sta. Rita, Brgy. Nibaliw, Mabini, Pangasinan nitong Linggo, Hunyo 12. 

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Marcelo Flores, 40, residente ng Brgy. De Guzman, Mabini, Pangasinan. Ang mga sugatan naman ay sina Marvin Mendoza, 37; Richard Flores, 26; Eduardo Dizon Jr., 21; Edmond Dizon, 19; Sarah Jane Navarro, 26; at kaniyang live-in partner na si Archie Ansus, 29.

Bago ang insidente, ang mga biktima ay nagtatanim ng palay pagkatapos ay nagpahinga para sa tanghalian nang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat.

Nakatayo si Flores mga 4 na metro ang layo mula sa iba pang mga biktima na noon ay nakaupo at nagpapahinga sa may barong na nasa ilalim ng puno ng manga nang biglang tamaan sila ng kidlat.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang mga biktima ay isinugod pa sa Western Pangasinan District Hospital sa Alaminos City, ngunit idineklarang dead-on-arrival na si Flores.