Magkaangkas pala sa motorsiklo ang dalawang lalaking namatay matapos mahulog sa riles ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Pasay City nitong Linggo ng gabi.

Kinikilala pa ng pulisya ang dalawang nakabulagta sa riles ng MRT-3 sa ilalim ng Tramo flyover at kapwa matindi ang pinsala sa kanilang katawan.

Sa sketchy report ng pulisya, sakay ng isang motorsiklo ang dalawa at tinatahak ang Aurora Blvd. flyover sa Pasay patungong kanluran nang bigla umanong mawalan ng kontrol ang rider dahil madulas ang kalsada, dakong 6:35 ng gabi.

Tumilapon ang dalawa hanggang sa mahulog sa riles ng MRT-3 malapit sa EDSA, Taft station na sanhi ng kanilang ikinamatay.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Dahil dito, pansamantalang itinigil ang operasyon ng MRT-3.

Gayunman, iniimbestigahan pa rin ito ng pulisya.