Iginiit ni incoming Senate President Juan Miguel Zubiri nakailangang munang idaan sa konsultasyon ang hirit ni Senator elect-Alan Peter Cayetano na sasama lamang siya sa mayorya kungibibigay sa kanya ang chairmanship ng Blue Ribbon Committee.

"Teka lang, kailangang konsultahin ko muna sila" reaksyon ni Zubiri nitong Biyernes.

Si Senator Francis Tolentino ang napipisil ni Zubiri na mamuno ng komite na dating hawak ni outgoing Senator Richard Gordon.

Ipinaliwanag ni Zubiri na nitong nakaraang Linggo ay nagkaroon na nghatian ng mga komite at hindi naman nabigyan si Cayetano na nagpapahiwatig na kabilang sa minorya.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Sa isang pulong balitaan nitong Biyernes, binanggit naman ni Cayetano na mananatilisiyang tagamasid sa Senado kung saan sinabi pa nito na kung mali angginagawa ng administrasyon ay maninindigan siya at kung tama naman ay susuportahan niya ang mga ito.