Gumagawa na ng paraan ang Pilipinas upang umangkat ng trigo dahil sa kakapusan ng suplay nito sa gitna ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Isinapubliko ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, na nakipagpulong na siya sa Canadian Embassy upang maplantsa ang naturang hakbang ng Philippine government

"Two nights ago we talked with the embassy of Canada and sabi nila we are ready to help the Philippines," ayon kay Dar nang kapanayamin sa telebisyon nitong Huwebes.

Kaagad namang nilinaw ng opisyal na nakalatag na ang contingency plan ng DA upang matugunan ang posibleng banta sa kakulangan ng pagkain sa darating na panahon.

National

Nobyembre 4, National Mourning Day para sa mga biktima ni 'Kristine'—Malacañang

Nakapaloob na rin aniya rito ang panawagan sa gobyerno na dagdagan pa ng P6 bilyong budget ang ahensya para sa fertilizer voucher ng mga magsasaka.

Inaasahang bababa na si Dar sa kanyang puwesto sa Hunyo 30, 2022 at sabay sa huling araw ng pagtatrabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Kaugnay nito, umaasa rin ang opisyal na hindi magkakaroon ng direktang epekto sa bansa ang planong pagtataas ng presyo ng bigas mula Vietnam at Thailand na kabilang sa mga bansang pinagkukunan nito.