Ibinida ng DJ at dating Tawag ng Tanghalan sa 'It's Showtime' celebrity contestant na si Ana Ramsey ang kaniyang spiels kung sakaling maging host siya ng reality show na 'Pinoy Big Brother'.

Nagpasampol si Ana kung sakaling maging PBB host siya sa pamamagitan ng kaniyang TikTok. Marami raw kasing nagsasabi sa kaniyang netizen na puwede siyang maging host ng naturang reality show, dahil katunog niya ang tinig ng main host nitong si Toni Gonzaga, na nagbitiw na sa programa matapos ang kontrobersiyal niyang hosting sa proclamation rally ng UniTeam.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/09/mariel-kay-toni-welcome-to-the-outside-world/">https://balita.net.ph/2022/02/09/mariel-kay-toni-welcome-to-the-outside-world/

"Alam n'yo guys nakakatuwa kasi ang daming nagme-message sa akin, nagko-comment ng mga ganito, so sige, magpasampol tayo," saad ni Ana.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Puwedeng-puwede! Calling ABS-CBN, baka puwede siyang gawing isa sa mga host kung di na talaga maibabalik si Toni G?"

"One day, hindi ako magugulat nasa TV na 'yan si ate at nagho-host,wait na lang natin."

"Puwede sa PBB? Oh baka naman puwede na sumali sa BBP (Bb. Pilipinas)? Hehehe."

"Bago ka maging host Ate Ana maging houseguest ka muna HAHAHA! Sana maging host ka atee!!"

"Puwede ka mag-host ng PBB pero need mo muna maging housemate ni Kuya… para alam mo how it feels to be a housemate…"

"May kapalit na si Toni G."

"May part na parang si Toni G ka, lalo na sa unang part…"

Si Ana Ramsey ay apo ng yumaong si Elizabeth Ramsey, at pamangkin naman ng Soul Diva na si Jaya.

Bukod sa pagiging singer, siya ay radio DJ sa MOR 101. 9 at nagho-host na rin ng It's Showtime Online.

Sabi ni Direk Laurenti Dyogi, si Toni raw ang simbolo ng PBB at ang PBB raw ay si Toni.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/30/balikan-direk-lauren-sinabing-si-toni-ay-pbb-at-ang-pbb-ay-si-toni/">https://balita.net.ph/2022/05/30/balikan-direk-lauren-sinabing-si-toni-ay-pbb-at-ang-pbb-ay-si-toni/

Naungkat ito dahil namimiss na raw ng mga netizen si Toni, lalo na sa anunsyo ng Big Winners sa Big Night.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/30/toni-gonzaga-namiss-ng-mga-netizen-sa-big-night-ng-pbb-kumunity-season-10/">https://balita.net.ph/2022/05/30/toni-gonzaga-namiss-ng-mga-netizen-sa-big-night-ng-pbb-kumunity-season-10/

Maayos namang naitawid ng bagong PBB main host na si Bianca Gonzalez, sa tulong nina Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Enchong Dee, kasama pa sina Sky Quizon at Richard Juan, ang latest season.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/29/bianca-gonzalez-grateful-na-maging-parte-ng-pinoy-big-brother/">https://balita.net.ph/2022/05/29/bianca-gonzalez-grateful-na-maging-parte-ng-pinoy-big-brother/