Ang party-list nominee ay hindi kandidato.

Sinabi ito ng Commission on Elections (Comelec) nang tanungin kung ang isang partylist nominee, na hindi makaupo sa Kamara, ay maaaring italaga sa isang Cabinet post o sa anumang posisyon.

“Yes, as a nominee is not the candidate. The Party List group is the candidate,” ani Comelec Acting Spokesperson John Rex Laudiangco sa isang pahayag.

Idinagdag niya na ang pagbabawal sa Konstitusyon ay nagsasaad na: ”No candidate who has lost in any election shall, within one year after such election, be appointed to any office in the Government of any government-owned or controlled corporations or in any of its subsidiaries.”

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

Nitong Lunes, Mayo 30, inihayag na si Erwin Tulfo, ang pang-apat na nominado ng ACT-CIS sa botohan noong Mayo 9, ay nominado bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Samantala, natanong din ang Comelec kung ano ang mangyayari sa pwestong bababakantehin ni Liloan City Mayor Christina Frasco na magiging bahagi ng Gabinete bilang Department of Tourism Secretary.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na ang "vice mayor ay magiging alkalde."

Leslie Ann Aquino