Tinawag na fake news ng Pinoy Big Brother (PBB) ang kumalat na screenshot ng umano’y shared post ng programa na nagpapahayag ng saloobin sa resulta ng pinakahuling edisyon, Linggo ng gabi, Mayo 29.

Sa umano’y shared post, mababasa ang caption ng PBB na, “End of Day 225. Share ko lang ‘to. Ayoko nun Big Winner. Till next season Kuya," ilang sandali lang matapos ang big night.

Matapos kumalat at umani ng maraming reaksyon online, agad na pinabulaanan ito ng opisyal na Facebook page ng PBB.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Pinoy Big Brother (PBB)./Facebook

Matapos ang 32 weeks ng edisyong ito, itinanghal ang ‘Singing Sweetheart ng Siargao’ na si Anji Salvacion bilang Big Winner sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Si Anji Salvacion ang ika-17 na big winner sa kasaysayan ng reality show.

Basahin: Anji Salvacion, itinanghal na PBB Big Winner! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid