Patay ang isang paslit nang pa-squat-in at pagpapaluin ng kanyang sariling ina atstepfather nito, habang umano’y ‘dinidisiplina’ sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Rosario, Pasig City nitong Biyernes.

Naisugod pa sa Mission Hospital ang8-taong gulang na lalaking biktima ngunit binawian rin ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Tumanggi naman na ang mga pulis na pangalanan pa ang biktima dahil sa pagiging menor de edad nito.

Samantala, arestado naman dahil sa kasong parricide at homicide in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law, ang mga suspek na nakilalang sina Kimberly Villadolid, 29, at kanyangasawangsi Germarc Franklin Villadolid, 39, call center agent, stepfather ng biktima at kapwa residente ng Bldg. O, Unit 1732, Urban Deca Homes, Ortigas Avenue Extension, sa Brgy. Rosario.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Batay sa ulat ni Pasig City Police chief PCOL Roman Arugay kay Eastern Police District (EPD) Director PBGEN Orlando Yebra Jr., dakong alas-3:51 ng hapon nang ideklarang patay ni Dr. Peter Joshua Ancheta ang biktima.

Nauna rito, isinugod ng mga suspek ang biktima sa pagamutan upang malunasan matapos na mawalan umano ito ng malay-tao.

Sa isinagawang cursory examination sa bangkay ng bata, nadiskubre ng mga doktor ang presensiya ng hematoma sa kanyang mga hita at braso kaya’t kaagad na ipinagbigay-alam sa mga otoridad.

Sa imbestigasyon, inamin naman ng mga suspek na bago isinugod sa pagamutan ay ‘dinisiplina’ umano nila ang bata dahil sa nagawa nitong kasalanan, na hindi kaagad natukoy.

Pina-squat umano nila ang bata at kapag hindi ito nakakasunod sa kanilang ipinapagawa ay pinapalo nila ito ng tsinelas hanggang sa makita na lamang nila itong wala ng malay.

Kaagad namang inaresto ng mga tauhan ng Substation 7 ang mga suspek sa kanilang tahanan at ipiniit habang inaantabayanan pa ang resulta ng otopsiya na isasagawa sa bangkay ng bata upang matukoy ang dahilan nang pagkamatay nito.

“Lawless elements have no place here in Pasig City. Pasig CPS will continuously adhere with the anti-criminality effort of the PNP for the apprehension of lawless individuals within AOR,” ayon kay PCOL Arugay.