LAGUNA - Nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit sa₱1 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu sa buy-bust operation sa Barangay Macatad, Siniloan nitong Biyernes ng gabi na ikinaaresto ng isang umano'y drug pusher.

Sa ulat ng Police Regional Office 4A (PRO4A), kinilala ang suspek na si Ronald Allan Cruz Flores, alyas Ompong at taga-nasabing lugar.

Dakong 6:26 ng gabi nang arestuhin ng mga tauhan ng Siniloan Municipal Police atPhilippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek matapos bentahan ng illegal drugs ang isang police poseur buyer.

Nakumpiska ng pulisyaang 11 plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng₱1,012,500.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Under custody na ng pulisya si Flores na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.