Magbabalik na nga ang Kapamilya actress at singer na si Anne Curtis sa noontime show na 'It's Showtime' matapos ang dalawang taong hiatus.

Sa ipinost niyang teaser video nitong Biyernes, Mayo 29, makikita na talagang pinaghandaan ang kaniyang pagbabalik. 

"This time. Tomorrow. FINALLY. See you MADLANG PEOPLE! #ANNEditoNaSaShowtime" saad ni Anne sa kaniyang caption.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Bago ang opisyal na pagbabalik, nauna nang magpost noong Mayo 18 ang ABS-CBN ng isang teaser tungkol sa pagbabalik ng aktres. Ilang buwan matapos maispatanna magkakasama sa isang dinner reunion ang mga It's Showtime hosts na sinaVice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Kim Chiu, Jugs Jugueta, Amy Perez, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, at Ion Perez.

Present din sa nasabing dinner ang mga opisyales ng ABS-CBN na sinaABS-CBN chief operating officer for broadcast Cory Vidanes, program producer Leilani Gutierrez, Direk Jon Moll, business unit head Reily Santiago, at non-scripted format head Lui Andrada.

Nagpahinga muna sa showbiz si Anne simula noong 2019 dahil lumipad sila ng kaniyang asawa na si Erwan Heussaff patungong Australia para ipanganak si Dahlia, kanilang panganay na anak.

Kaugnay na Balita:https://balita.net.ph/2022/02/18/anne-curtis-magbabalik-showbiz-na-matapos-mamahinga-ng-2-taon/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/18/anne-curtis-magbabalik-showbiz-na-matapos-mamahinga-ng-2-taon/