Viral sa social media ang Facebook video ng sikat na content creator na si Sassa Gurl kasama ang mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff, kung saan makikitang tila tinuruan ni Sassa mang-‘dogshow’ ang nasabing chef-YouTuber kasabay ng paglabas ng pinakabagong vlog ng dalawa.

"May bago akong nakshit. Medyo pasmado na bibig niya. Di ba dog show," saad ni Sassa sa caption ng kaniyang Facebook post noong Mayo 25.

Maririnig naman ang malutong na mura ni Erwan. "Put****** n'yo," aniya.

“Tama po! Very good! Maganda ang turo oh di ba!" wika ni Sassa matapos magmura ni Erwan sa nasabing video. Proud namang sinabi ni Erwan na siya ang ‘nakshit king.’

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Muling nagtambal ang dalawa para sa isang food vlog na inilabas nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 25, 2022. Matatandaang unang nagsama ang dalawa noong Marso 2022 na kinaaliwan ng mga netizens. Tampok din sa vlog ang bayaw ni Erwan na si Nico Bolzico, mister ng kapatid na si Solenn Heussaff.

“Hindi ko inexpect na may dalawang afam na bubulaga sa akin sa vlog. Feel ko naka-premium ako kay Lord.” pabirong ibinahagi ni Sassa Gurl sa Balita Online.

Sassa Gurl at Erwan Heussaff (Screengrab mula sa FB ni Sassa Gurl)

Erwan Heussaff (Larawan mula sa FB/Sassa Gurl)

Sassa Gurl, Nico Bolzico, at Erwan Heussaff (Screengrab mula sa FB/Sassa Gurl)

Sa ngayon ay higit isang milyon na ang views ng nasabing Facebook video.