Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang malaking bahagi ng Batangas nitong Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs, ang nasabing pagyanig ay naitala sa layong 21 kilometro kanluran ng Calatagan at lumikha ng lalim na 132 kilometro dakong 5:50 ng umaga.
Naramdaman din ang Intensity IV sa Calatagan, Batangas; Intensity III sa Quezon City, Pasay City, Pasig City, Tagaytay City, Mendez, Amadeo at Alfonso sa Cavite at Obando, Bulacan.
Naitala rin ng Phivolcs ang Intensity II sa Abucay, Bataan; Gapan City, Nueva Ecija; Castillejos, Zambales; Mandaluyong City; City of Manila, Makati City at Tanay, Rizal.
Nakapagtala rin ng instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar: Intensity IV sa Puerto Galera; Oriental Mindoro; Intensity III sa Plaridel, San Ildefonso at Malolos City sa Bulacan; Guagua sa Pampanga, Tagaytay City; Calapan City, Oriental Mindoro; Batangas City; Olongapo City, Zambales at Gumaca sa Quezon.
Nasa Intensity ll ang Talisay, Batangas; Mauban at Dolores, Quezon; Roxas at San Jose, Occidental Mindoro; Muntinlupa City; Gapan City; Nueva Ecija; Pandi at Marilao, Bulacan; Mulanay, Quezon; Las Piñas City; Marikina City; Malabon City; Cabanatuan City.
Nairekord naman sa Intensity 1 ang Los Baños, Laguna; Iba, Zambales; Pasig City; Quezon City; Tayabas, Polillo, Lopez, San Francisco at Lucban, Quezon at Baler sa Aurora.