CAMP MARCELO A. ADDURU, Tuguegarao City - Natimbog ng pulisya ang isang pinaghihinalaang drug pusher sa ikinasang anti-drug operation sa San Mateo, Isabela kamakailan.

Nakapiit na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 2 ang inarestong si Arjee Villaluan, alyas "Takki," 31, taga-Brgy. Sinamar Sur, San Mateo.

Sa ulat ng mga awtoridad, agad na dinakma si Villaluan nang bentahan umano nito ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isa sa PDEA agent sa Brgy. Sinamar.

Nakumpiska sa operasyon ang limang bricks ngmarijuana na tinatayang aabot sa₱1.5 milyon, marked money, at isang sumpak na may kargang dalawang bala.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nahaharap na si Villaluan sa kasong paglabag saRepublic Act 9165, Republic Act 10591 at Omnibus Election Code.