'Sana all may Cong TV!'

Usap-usapan ngayon ang YouTube vlogger at Team Payaman member na si Cong TV dahil kinakiligan ng mga netizens ang kaniyang latest vlog.

Mapapanood sa kaniyang vlog na inupload nito lamang Biyernes, Mayo 20, ang paghahanap niya ng nawawalang passport dahil pupunta siyang Vietnam para sa laban ng Sibol MLBB Team sa SEA Games kasama ang iba pang miyembro ng Team Payaman na sina Junnie Boy, Boss Keng, at Burong. 

Ang Sibol MLBB team ay binubuo ng mga manlalaro mula sa Blacklist Team na kung saan kabilang si Cong TV at iba pang Team Payaman members.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nahanap ng nanay ni Cong yung passport niya at mapapanood din ang kanilang monthsary date ng kaniyang girlfriend na si Viy Cortez.

Gayunman, tila ayaw siyang payagan ni Viy noong una. Kalaunan ay napapayag niya ito nang mapakitaan niya ng passport at plane ticket. 

Nang nasa airport na, hindi tumuloy si Cong dahil aniya bigla raw siya kinabahan at hindi siya mapakali. Nagpasundo siya sa kanilang driver at ayon dito ay kanina pa raw umiiyak si Viy. 

Ipinakita rin sa vlog ang pagbalik niya sa kanilang bahay at kitang-kita ang tuwa ni Viy nang makita niya ulit si Cong.

"'Diba sabi ko kanina ito ang storya na nagpapakita na lahat, possible. Akalain mo 'yun, posible pa lang kalimutan muna lahat ng mga masasarap na bagay. Gustong-gusto ko sana sumama at maglakbay pero tsaka na lang siguro, 'pag kasama ko na kayong dalawa," ani Cong kay Viy. 

Samantala, sa isang tweet, ipinahayag ni Viy ang kaniyang nararamdaman para kay Cong.

"Mas naiinlove ako kay cong, Di ko inakala na ganito siya pag nabuntis ako. Hindi lang dahil sa umuwi siya, madami pang dahilan na hindi na napapakita sa mga vlog," sey ni Viy.

https://twitter.com/HiThisIsViy/status/1527795292073955329

Umani naman ng mga positibong komento ang vlog ni Cong:

"Being on the same situation na sabay nag buntis asawa namin ni cong. the last part is really a big advice for all the upcoming father and yes posible ang lahat at your will nothing is impossible. salamat cong sa sinabe mo and safe delivery sa baby naten soon! power!!"

""Love knows no bounds" ika nga, and Cong's here to Testify the said quote! Vietnam lang yan, pero si Viy pa rin ang uuwian!"

"Why would i settle for less if nag eexist ang mga katulad ni cong???"

"Nakakatouch. Galing mo Cong! I felt sad for you kasi di ka nakasama but so happy na you made a better choice. Sana lahat ng lalake katulad mo. 🥹 God bless you, Viviys and kidlat"

"sana lahat may isang CONG sa buhay!!!"

"I hope someday makatagpo din ako ng kasing tulad mo congtv. Patuloy ka namin susuportahan ikaw at ang buong team payaman! Nawa'y hindi kayo magbago. Godbless!!!!"

"Eto yung sinasabing love is full of sacrifices. Yung tipong yung kasiyahan mo kaya mong isantabi para mas maging masaya yung mahal mo. Sana lahat may Cong sa buhay"

"Naiyak ako! Napaka hirap na makakita ng isang Cong TV ngayon"

"si cong lang talaga nag papa tunay na may mga matitino pang mga lalake jan HAHAHA"

"Naiyak ako sa last part. Puta sana all may cong!!"

"For sure, magiging mabuting tatay ka kay Kidlat. I admire you Cong kasi sinasamahan mo si Viy sa pregnancy journey nya. Di po talaga madali ang pagbubuntis kaya full time effort and guidance po ang need nila. Stay healthy Viy and Kidlat! Can't wait to see you, Bebe Kidlat!!"

"What a man! Magka anak ako na gaya nila Cong at Junnie Boy, ako na ang pinaka proud na magulang. Well raised Son"

"Dadating ang araw na mapapanood ito ni kidlat,maraming napa sana all sa pagmamahal ni cong kay viy uncomparable love ang meron sa pamiyang 'to"

&t=846s