Kilala bilang isa sa mga masugid na celebrity supporter ni Vice President Leni Robredo, nagpahayag muli ng kanyang buong suporta sa Angat Buhay NGO si Yeng Constantino.

Nakatanggap ang Kapamilya pop-rock singer-songwriter ng bulaklak mula kay Vice President Leni Robredo ngayong Lunes, Mayo 16.

“Maam salamat sa appreciation samin. 💕” mababasa sa caption ni Yeng sa Instagram kalakip ang karawan ng natanggap na bulaklak.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Binati rin ng Kapamilya singer ang pagtatapos ni Jillian, bunsong anak ni Robredo, sa prestihiyusong New York University (NYU) dahilan ng paglipad ng mag-iina sa Amerika kamakailan.

Basahin: Robredo, lilipad ng Amerika ngayong Sabado para sa graduation ni Jillian sa NYU – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Muli namang nagpahayag si Yeng ng kanyang suporta pa rin sa mga susunod na hakbang ni Robredo kabilang ang pagtatayo nito non-government organization na “Angat Buhay” sa darating na Hulyo.

Matatandaan layon ng programa na iangat ang buhay ng mga Pilipinong nasa laylayan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kandidato noong panahon ng eleksyon.

Si Yeng ang nasa likod ng kilalang bersyon ng “Liwanag sa Dilim” na narinig sa kampanya ng Leni-Kiko tandem noong mga nakaraang buwan.