Nasungkit ng Pinoy triathlete na si Kim Mangrobang ang ikalawang gold medal nito sa pagpapatuloy ng 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Vietnam nitong Linggo.

Ito ay matapos mamayani si Mangrobang sa women' individual duathlon event sa Sunset Bay sa Tuan Chau, Hanoi nitong Mayo 15.

Nitong Sabado, kumubra rin si Mangrobang ng gintong medalya sa triathlon competition. Gayunman, nasa ikatlong puwesto lamang ang katambal nitong Pinoy na si Raven Alcoseba.

Matatandaang dinomihan ni Mangrobang ang individual triathlon sa Subic sa 2019 edition nito kung saan dalawa ring ginto medalya ang naiuwi nito.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bukod kay Mangrobang, nanalo rin ng bronze medal ang Pinoy na si Alvin Campos matapos sumalang sa pencak silat men's tanding class F category.