Sampung pang certificate of canvass (COCs) ang binilang ng Commission on Elections (Comelec) en banc sa ikalimang araw ng national canvassing para sa senatorial at partylist elections sa Sabado, Mayo 14.

Sa kabuuan, 149 sa 173 COC ang na-canvass ng Comelec en banc na nakaupo bilang National Board of Canvassers (NBOC) sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Ang pito sa mga na-canvas na COC ay mula sa mga post sa ibang bansa kabilang ang Berlin, Stockholm, Lisbon, Berne, Buenos Aires, Brasilia, at Rabat.

Ang mga COC mula sa local absentee voting (LAV), South Cotabato, at Cebu City ay na-canvas din ng NBOC.

National

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

24 na COC na lang ang hindi pa binibilang ng NBOC, kung saan, 19 dito ay manual overseas COCs, isang manual COC para sa vulnerable sectors, at isa pang COC para sa 63 barangay sa North Cotabato.

Tatlong COC din ang ipadadala sa elektroniko kabilang ang para sa Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM); isang electronic overseas COC para sa Hong Kong, at isa pang electronic COC para sa Jordan.

Martin Sadongdong