Tumatanggi na si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque na maipagpatuloy ang kanyang trabaho sa susunod na administrasyon.

"No. I am tired, I am so tired. I wanna go back to my province... I’m going back to the university that the family runs. It’s a private higher education institution. Tama na! I’ve been secretary of Health twice," pahayag ni Duque sa mga mamamahayag nitong Biyernes.

Matatandaang ilang beses nang tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagang sibakin na sa puwesto si Duque dahil sa umano'y kapalpakan nito sa paglaban sa pandemya ng Covid-19 at alegasyong dawit umano sa korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kung saan siya naging chairman of the Board.

Si Duque ay itinalaga ng Pangulo sa DOH noong 2017 matapos tanggihan ng Commission on Appointments si Paulyn Ubial.

National

Bayan Muna, may mensahe kay FPRRD: 'More birthdays to come in The Hague'

Noong Hunyo 2005 hanggang Enero 2010 ay nanilbihan si Duquez bilang kalihim ng DOH sa administrasyon ni Gloria Arroyo.

Naging chairman din ito ng Civil Service Commission sa panahon ng Aquino administration.