Kikilalanin ng administrasyon ng nangungunang kandidato sa pagkapangulo na si Bongbong Marcos ang mga vlogger.

Ito ay ayon sa pahayag ni Marcos spokesperson at chief-of-staff, abogadong si Vic Rodriguez, nitong Miyerkules ng hapon, Mayo 11, nang tanungin kung accredited o hindi ang mga vlogger kasama ng traditional media sa ilalim ng papasok na administrasyon.

“If that’s the set-up now, I don’t see any reason bakit natin dapat baguhin,” ani Rodriguez sa naganap na press briefing sa BBM headquarters nitong Miyerkules.

“If it’s not the set-up now, I think it’s a good point that you have raised,” aniya sa mamamahayag na nagtanong.

Politics

DepEd nagpaalala laban sa political campaigning sa graduation, moving up ceremony

“Maybe we should also consider the vloggers kasi nga nag-transition na din tayo from the media that we use to know, nag-shift na into,” dagdag niya.

Halos naging cottage industry ang vlogging sa panahon ng kampanya para sa mga botohan noong Mayo 9 habang tinatanggap ng mga content creator sa Internet ang paggawa ng komentaryo sa mga paksang pampulitika.

Ellson Quismorio