Tila may pasaring ang self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza kay Skusta Clee sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Mayo 8.

"Napakapangit mo na nga tapos babaero ka pang tukmol ka," saad ni Gaza.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Zeinab, dito ka na lang sa lalaking 'to," komento pa niya na may kasamang larawan niya.

Nangyari ang pahayag nito matapos mag-viral sa social media ang interview ng social media personality at vlogger na si Zeinab Harake sa YouTube channel ni Toni Gonzaga na umere nito lamang Mother's Day.

Ibinahagi ni Harake ang kaniyang pinagdaanan bilang single mom at ang nangyari sa kanila ng kasintahang si Skusta Clee. Aniya, nahuli raw niya itong nambabae habang siya ay buntis.

Sinabi rin niya na noong nakunan siya sa pangalawa nilang anak, siya lamang ang mag-isang naglibing sa sanggol na pinangalanan niyang Baby Moon. Siya na rin ngayon ang mag-isang nagtataguyod sa kanilang anak na si Zebbiana o Bia habang unti-unting nakakarekober sa mga pangyayari.