Zero election-related incidents ang naitala habang 23,000 residente ang pumunta sa Dagat-Dagatan Elementary School sa Navotas City para bumoto nitong Lunes, Mayo 9, ayon sa school principal na si Dr. Sonia Padernal.

Ayon sa ilang botante, naging madali ang proseso ng pagboto sa kabila ng mga isyu sa vote counting machines (VCM).

Sinabi ni Mary Ann Ivardolaza, 45, isang botante, na wala siyang naranasang malalaking isyu.

Samantala, sinabi ni Jenelyn Rose Diaz, 28, isang first time voter, na natapos siya sa pagboto dalawang oras matapos magbukas ang polling station alas-6 ng umaga.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Hinikayat din niya ang mga residente na iboto ang mga susunod na pinuno ng bansa.

Ayon kay Master Sgt. Alano Javier Quisto ng Navotas City Police Station sa Manila Bulletin na simula pa lang ng halalan, zero na ang naitala nilang election-related incidents gaya ng pamamahagi ng sample ballots o flyers.

Dagdag pa niya, agad na pinalitan ang mga hindi gumaganang VCM.

Aaron Homer Dioquino