Hindi na gagamitin pa ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machines (VCMs) ng Smartmatic company sa idaraos na 2025 National and local elections.

Ito ang tiniyak niComelec Commissioner Marlon Casquejo sa isang pulong balitaan nitong Lunes at sinabing ngayong May 9 elections na lamang huling gagamitin ang mga nabanggit na makina.

Ayon kay Casquejo, mga luma na rin naman ang mga naturang VCMs na matatandaang unang ginamit noong 2010 elections pa.

Sinabi ni Casquejo na hihilingin nila sa Kongreso na mabigyan ang Comelec ng karagdagang pondo para sa pagbili ng mga bagong makina para sa susunod na eleksyon sa bansa.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Una nang kinumpirma ng Comelec na nakatanggap sila ng ulat na 1,867 VCMs ang nagkaproblema sa pagdaraos ng halalan nitong Lunes.

Ang mga VCMs na hindi maaayos ay kaagad din namang papalitan ng Comelec.