Number #38 trending sa YouTube channel ang latest vlog ni actress-host-social media influencer na si Alex Gonzaga na inupload niya noong Mayo 1, na pinamagatang "Ate’s Shoes and Closet Tour by Alex Gonzaga.

"Magkakagulatan na lang pero kukuha ako ng sapatos dito one day dito at wala na lang makakaalam," saad ni Alex sa caption.

Pero itinuwid ni Toni na make-up room daw ang tawag sa bagong renovated spot niya sa bahay; nagkataon lamang na puro sapatos ang nasa loob nito kaya nagmukhang shoes and closet room.

Maya-maya ay inisa-isa na nga ni Toni ang kaniyang pag-tour sa loob ng bagong renovated niyang make-up room kung saan din niya ginagawa ang mga Zoom meeting.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Maya-maya, pumasok na rin sa eksena ang anak nila ni Direk Paul Soriano na si Seve.

Sa kalagitnaan ng tour, isang pamilyar na pulang roba ang pumukaw sa kanilang atensyon. Ito ay ang robang suot ni Toni sa pelikulang 'Four Sisters and a Wedding' bilang si Teddie, nang magkaideya siya kung paano mapapaghiwalay ang bunsong kapatid nilang si CJ (Enchong Dee) sa jowa nitong si Princess (Angeline Quinto).

Isinuot ni Toni ang naturang roba at muling sinambit ang linyahan niya noon.

"Oh my goodness, I am so smart… options, options, options!" sey ni Toni.

Maya-maya, si Alex naman ang nagsuot nito at ginawa ang mga linya ni Toni.

Hanggang ngayon ay muling nauungkat ang naturang pelikula lalo na sa mga meme patungkol kay Toni, simula nang magdeklara siya ng pagsuporta sa UniTeam.

Isa nga sa mga ipinakita niya sa tour ang ginamit niyang sapatos sa proclamation rally ng UniTeam noong Pebrero at ang ginamit niya sa pagpe-perform ng 'Roar' ni Katy Perry sa mga campaign rally.

Panoorin ang naturang vlog via YouTube channel ni Alex Gonzaga: