Opisyal nang inendorso ng religiousgroup na Iglesia ni Cristo ang tandem nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte ngayong Martes, Mayo 3-- anim na araw bago ang eleksyon 2022.

Nangyari ang endorsement sa pamamagitan ng Mata ng Agila Primetime News sa INC-owned channel na Net 25 ngayong Martes.

Noong 2016, inendorso rin ng Iglesia ni Cristo si Bongbong Marcos sa pagka-bise presidente at sa pagka-pangulo naman ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ilan sa mga "nanligaw" pang presidential candidate para makuha ang boto ng INC ay sina Manny Pacquiao, Ping Lacson, Leni Robredo, at Isko Moreno Domagoso. 

National

‘Big Boss’ ng POGO sa Bamban at Porac, arestado na

Tradisyunal na ginagawa ng mga presidential candidates na makuha ang endorsement ng INC dahil mayroon itong milyun-milyong miyembro na registered voters. Kilala ang INC sa kanilang "bloc voting" na kung saan inaasahan na iboboto ng miyembro nito ang kanilang mga inendorsong kandidato.

Matatandaan na noong Pebrero, inendorso nina Bro. Mike Velarde ng El Shaddai at self-proclaimed “appointed son of God” Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ ang kandidatura nina Marcos at Duterte.

Noong Marso 2022 naman, suportado rin ni Bishop Ted Malangen ng Jesus Christ the Deliverer Church ang tandem.