Tinatayang aabot sa ₱2 milyong halaga ng pinaghihinalaang iligal na droga ang nasamsam ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang babae sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City kamakailan.

Under custody na ng pulisya ang suspek na hindi muna isinapubliko ang pagkakakilanlan dahil sa isinasagawa pang follow up operation laban sa mga kasabwat nito.

Isinagawa ng mga awtoridad ang anti-drug operation sa Barangay Tejero na ikinaaresto ng suspek.

Bukod sa sa illegal drugs, narekober din ng pulisya ang marked money mula sa suspek.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Inihahanda na ng mga pulis ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs of 2002 laban sa suspek