Isang baby girl ang anak nina Kapuso couple Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na pansamantalang pinangalanang 'Baby D', ayon sa showbiz segment ng '24 Oras' nitong Mayo 2, 2022.

Naging matagumpay ang panganganak ng Kapuso actress sa pamamagitan ng cesarean delivery noong Abril 25, 2022, dakong 5:00 ng hapon. Kuwento ng dalawa, hindi sila handa dahil nagpunta sila sa ospital para lang sana sa check-up. Hindi naman nila akalaing iyon na pala ang araw na magluluwal na si Jen.

“Everything went smoothly inside the operating room and both Jennylyn and baby ‘D’ are doing very well now,” saad ni Dennis sa isang pahayag.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Screengrab mula sa YT/24 Oras

“Despite having sleepless nights these past days, Jen and I are very much enjoying our time as parents and we are very thankful that we are blessed with a healthy baby girl. We will share more details about this important milestone in our life very soon on our YouTube channel. Thank you to everyone who sent their well wishes for our family,” pasasalamat ng Kapuso couple.

Makikita rin ang iba pang detalye tungkol kay Baby D sa YouTube channel ni Jennylyn.

Naging ganap na mag-asawa sina Dennis at Jennylyn nang ikasal sila noong Nobyembre 2021. Si Baby D ang dagdag sa kanilang pamilya na binubuo ng kani-kanilang mga anak sa mga naunang karelasyon. Si Jennylyn ay may anak kay Patrick Garcia (Alex Jazz) at si Dennis naman ay may supling na mula kay Carlene Aguilar (Calix Andreas).