Usap-usapan ngayon ang teaser na inilabas ng Caviteños for Leni na may silhouette ni Darna. Hula ng mga netizen ay si Marian Rivera ito dahil isang Caviteña ang aktres.
"Iba ka Cavite! Dalawang Darna pa ang pupunta! ABANGAN!!!" tweet ng Caviteños for Leni.
Ngayong araw, Mayo 1, gaganapin ang campaign sortie ng Leni-Kiko tandem sa Cavite.
Hula ng mga netizen na si GMA Primetime Queen Marian Rivera ito o hindi kaya ay ang Kapamilya actress na si Jane de Leon-- na gaganap ding Darna.
"Marian Rivera is a Cavitena. Her grandmother literally living in IMUS which is by the way near to DASMA hmmmm."
"Si Marian Rivera yan!"
"Marian Rivera is a Cavitena! Angel Locsin is likewise a Darna!"
"Ano kaya kakantahin niya? Sabay sabay tayo o Story of my life? Charizzzzz hahahahaha"
"OMG MARIAN RIVERA???"
"Ayusin mo Marian. Dinala mo si Beatrice sa top 5, pakidala din si Leni sa Malacañang chz."
"Caviteña girls we're unforgettable daisy dukes bikinis on top no but seriously marian rivera endorsing vp leni will be a game changer.. she's the kapuso queen and maraming loyal sa kamuning"
"I knew it! Marian will choose to come out in a Cavite rally."
"MARIAN RIVERA, WHO WANTS TO BE A PSYCHOLOGY SOMEDAY, IS A CAVITEÑA KAKAMPINK!!!!"
"OMGGGGG MARIAN RIVERA WILL ATTEND LATER???"
Matatandaan na gumanap bilang Darna si Marian noong 2009. Gayunman, wala pang pahayag ang Primetime Queen hinggil dito.
Ang iba pang kakampink na gumanap bilang Darna noon ay sina Sharon Cuneta (1986) at Angel Locsin (2005).
Samantala, trending topic sa Twitter si Marian na umabot na sa 9,289 tweets, as of writing.