TUBA, Benguet -- Dalawang magkakahiwalay aksidente ang muling naitala sa bayan ng Tuba at Atok, matapos mahulog sa bangin ang kanilang sasakyan, habang isa naman ay bumaligtad sa kalsada na ikinasugat ng anim na katao.

Nagpapagaling na sa pagamutan ang tatlong sugatan na sina Marlon Paras Tolentino, 36, residente ng Mexico, Pampanga; Gabriel Del Mundo, 22, residente ng Magalang, Pampanga at Jared Gonzales Ladson, 25.

Sa imbestigasyon, papuntang siyudad ng Baguio ang biktima at habang paakyat sa Kennon Road, dakong alas 4:10 ng madaling araw ng Mayo 1. Pagdating sa may Ampasit Bridge, Kiangan Village, Barangay Camp 3,Tuba, Benguet ay nawalan umano ng kontrol ang driver at nag-resulta ito sa pagkabangga niya sa concrete canal at pagkahulog nito sa ilog na may lalim na 50 ft. mula sa tulay.

Agad namang rumesponde ang mga otoridad sa nasabing insidente at mabilis na sinugod ang mga biktima sa ospital.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sa Benguet, sugatanang tatlong senior citizen, matapos mabangga ang sinasakyang SUV sa Km. 25, Caliking, Atok, Benguet, noong hapon ng Abril 30.

Ang mga biktima na ngayon ay ginagamot sa opsital ay sina Roberto Saguid Aritao, 63, driver; Conchita Pol-oc Aritao, 61 at Annie Laoyan Binay-an, 68.

Ayon sa imbestigasyon ng Atok Municipal Police Station, binabagtas ng nasabing sasakyan ang kalsada papuntang La Trinidad at inaantok ang driver kaya bumangga ito sa gilid ng kalsada at nagresulta ito ng pagbaliktad ng sasakyan.