Bilang bahagi sa pagpapalakas ng turismo sa bansa, inirekomenda ng Metro Pacific Tollways South (MPT South) sa mga biyahero at turista na isama sa kanilang pagbabakasyon ang Tagaytay bilang isa sa mga best summer holiday destinations.

Ang road trip ay isang popular na aktibidad ngayong tag-init kaya inaanyayahan ng nasabing kumpanya ang mga biyahero sa “Biyaheng South” (pagbiyahe sa katimugan) at galugarin o diskubrehin ang mga nakatagong hiyas at yaman ng mga probinsya ng  Cavite at Laguna na tiyak na magbibigay ng sariwang diwa ngayong summer, na mas accessible o madaling mapuntahan sa pamamagitan ng Cavite-Laguna expressway (Calax).

Upang makarating sa Tagaytay via Calax, dumaan sa exit ng Santa Rosa-Tagaytay Road, kumanan sa Tagaytay-Calamba Rd., diretso hanggang sa makarating sa Tagaytay, Cavite.

Kabilang sa mga aktibidad dito ay ang cafe-hopping kung saan kasabay na matatanaw ang magagandang tanawin sa Tagaytay, kasama na rito ang perpektong tanawin sa Taal Lake; food trip na matitikman ang sikat na sizzling bulalo na isa sa mga best seller bukod sa lechon belly mula sa mga bagong farm-to-table restaurant; at staycation kasama ang mga mahal sa buhay sa mahangin at tahimik na forest cabin rooms sa lugar.

Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril

Para sa karagdagang impormasyon i-follow o sundan ang Biyaheng South’s Official Facebook Page at Tiktok Account sa mga alok pang aktibidad sa Cavite at Laguna at para sa ligtas na pagbiyahe.

“We invite travelers to make use of CALAX to reach summer destinations such as Tagaytay, so that they can save on time, and make the most of their summer experience. To add to making sure your road trip goes smoothly, we encourage travelers to have an RFID installed and make sure it has sufficient load, to avoid queues at our cash lane," banggit naman ni MPT assistant vice president for Communication and Stakeholder Management, Spokesperson Arlette Capistrano.