Pinawi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang pangamba ng publiko laban sa Omicron BA.2.12 sub-variant na nakapasok na sa bansa.

Paliwanag ni Duque, hindi pa naman tinukoy ng World Health Organization (WHO) ang naturang sub-variant bilang variant of interest o variant of concern.

“Wala pang dapat ipangamba sa BA.2.12 dahil hindi naman ito natukoy ng WHO bilang variant of interest at variant of concern,” sabi ni Duque sa panayam sa radyo nitong Sabado.

Kaugnay nito, umapela ito sa publiko na magpabakuna na sa Covid-19 at huwag nang maghintay na magkaroong muli ng surge ng virus bago pumila sa mga bakunahan.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nauna nang kinumpirma ng DOH na naitala na nila ang unang kaso ng Omicron BA.2.12 sa Baguio City nang mahawaan nito ang isang babaeng taga-Finland na dumating sa bansa noong Abril 2.