Nag-react ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa mga sagot na natanggap niya mula nang tanungin niya kung bakit lagi ang spokesperson ni dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang nagsasalita para rito.

Aniya, kaya umano ay hahantong na lamang sa pangba-bash ang ilang tao ay dahil "wala na silang masagot na maayos."

"Natatawa ako sa mga peepz! Hahaha😅🤪wala atang sagot na maayos, kaya ready na me for #RENEWALOFBASH 🤪😅 lels Bahala kayo magkagulo jan!😅 yun ay out of curiosity lamang powz. Kaya nga po nagtanong.. hihihi," tweet ng aktres.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/prinsesachinita/status/1520234194210738178

Sinundan pa niya ito ng isang biro na nami-miss niya nang mag-sign. Hindi niya kasi ito magawa dahil isa ito sa mga hand gesture na ginagamit ng UniTeam.

"PS namimiss ko na mag peace sign)😅 - kim chiu."

Nauna nang tinanong ni Kim Chiu kung bakit si Atty. Vic Rodriguez lagi ang nagsasalita para kay Marcos.

“Uhm curious lang po? bakit parang mas si sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? sha po ba yung tatakbo? Diba campaign period palang?” Tweet ng aktres.

BASAHIN: Kim Chiu kay BBM: ‘Bakit parang mas si sir spokesperson yung laging sumasagot, siya po ba yung tatakbo’

Ito ay matapos maglabas ng tugon si Rodriguez sa imbitasyon ni Robredo na makipag-debate si Marcos sa kanya.

Sa isang quote tweet, ipinaliwanag ng netizen ang nais ipunto ng aktres.

"Actually, valid din naman question from KIM CHIU. Sometimes, we have to hear from the concerned party himself because we want to know it straight from his mouth. This is timely and a relevant question also! RESPECT!!!" Ani ng isang netizen, na siya namang qinoute retweet ng aktres.