'Tita Nena, sana ikaw na yan'

Humihingi ngayon ng tulong ang netizen na si Patricia Macaldo para mahanap ang kanyang tiyahin na si Nena Liboon Pangilinan na noong 2008 pa nawawala. Nangyari ang panawagang ito matapos mag-viral sa social media ang post ng isang ABS-CBN reporter na may yumakap sa kanyang street dweller. 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/29/abs-cbn-reporter-nakatanggap-ng-free-hug-sa-isang-street-dweller/

Malakas umano ang kanyang pakiramdam na si Nena na nga 'yong yumakap sa reporter kamakailan.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

"Tita nena sana ikaw na yan sana makita ka na namin sobrang tagal ka namin hinihintay na umuwi at hinanap ka din ng mga kapatid mo si lola bago pumanaw alam kong gustong gusto ka niya makita," saad ni Macaldo sa kanyang Facebook post noong Biyernes, Abril 29 na kalakip ang ilang mga larawan ng kanyang Tita Nena.

"Kapag luluwas ako pa-Manila lahat talaga ng mga palaboy tinitingnan ko nagbabakasakali talaga akong makita ka pero wala," dagdag pa niya.

Panawagan ni Macaldo na kung sinuman ang makakita sa kanya ay kontakin lamang siya sa kanyang Facebook account.

"Kung sino man po may alam or nakakita sa kanya please po pm n'yo po kami sobrang miss na namin ang tita namin halos mahigit isang dekada na siyang nawawala please po sana makita na namin siya ramdam ko ikaw talaga yan," ayon pa kay Macaldo.

Sa kanyang Facebook account may ibinahagi siyang post ni Sunshine Azarcon noong 2016, kung saan nanawagan din ito sa pagkawala ni Nena noong 2008 sa Cavite.

"We have here the picture of our Aunt and she's missing since 2008, sa Cavite. Her name is Nena Liboon Pangilinan, from Gapan City, Nueva Ecija," saad ni Azarcon noong 2016.

Kung sinuman ang makakakita kay Nena Liboon Pangilinan, maaaring kontakin si Patricia Pangilinan Macaldo sa kanyang Facebook account.