Magpapatupad ang ilang kumpanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo sa produktong liquefied petroleum gas (LPG) sa Mayo 1.
Tatapyasan ng Petron ng ₱5.75 sa kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas, katumbas ng ₱63.25 na bawas-presyo sa bawat 11 kilograms na tangke ng LPG nito.
Bukod dito, babawasan din ng Petron ng ₱3.25 ang presyo ng kada kilo ng kanilang Auto LPG.
Magbabawas naman ang Solane ng ₱5.73 sa presyo ng kada kilo ng kanilang LPG.
Ang naturang hakbang ng mga kumpanya ng langis ay resulta ng pagbaba ng contract price sa pandaigdigang pamilihan.