Pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong perjury laban kayself-confessed drug lord Kerwin Espinosa kasunod ng pagbawi nito sa kanyang testimonya na isinasangkot si Senator Leila de Lima sa paglaganap ng illegal drugs sa National Bilibid Prison (NBP).
"Tinitingnan 'yan ngayon ng ating Office of Prosecutor General, kung puwede ngang makasuhan, kasi nga magkaiba 'yung kanyang naging statement," paliwanag ni DOJ Undersecretary Adrian Sugay sa isinagawang Laging Handa briefing nitong Biyernes.
Ipinaliwanag ni Sugay, dating gumawa si Espinosa ng sinumpaang salaysay at iuurong lang nito dahil sa pahayag nito na, "pinilit lang siya, tinakot at binantaan" ng mga pulis upang idawit si De Lima.
"I think that is something Mr. Espinosa has to contend with. He has to answer the issue. What happened? Why is it like that?Baka nga mayroong liability si Espinosa, that is something he has to deal with eventually," aniya.
Matatandaang sinabi na niProsecutor General Benedicto Malcontento na hindi nakaaapekto sa kaso laban kay De Lima ang pag-urong ni Espinosa sa kanyang testimonya.
Binanggit din ni Malcontento na hindi na kabilang si Espinosa satestigo ng prosekusyon laban sa senador.
Sa pagdinig sa Senado noong 2016, tumestigo si Espinosa at idiniin si De Lima matapos sa paglaganap ng iligal na droga sa NBP noong kalihim pa ito ng DOJ kung saan binigyan din niya umano ito ng P8 milyon bilang campaign fund ng senador.