Inakalang anak ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez sa kaniyang house-to-house campaign para kay Robredo sa Malabon City ngayong Biyernes, Abril 29.
Ibinahagi ng certified kakampink sa kanyang Twitter ang hindi inaasahang encounter niya sa isang residente sa Malabon.
"Today sa h2h:"Ikaw yung anak?" "Opo Opo!" (Oo naman akech kasi sanay ako na matanong na anak) "Anak ni Leni?" "Ay hindi po, anak ni Lotlot!""
Si Janine Gutierrez ay anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez. Ang kanyang mga lolo't lola naman ay sina veteran actor Eddie Gutierrez at Pilita Corrales.
Samantala, trending topic sa Twitter si Janine at ang ina na si Lotlot.
Inaasahan din ang pagdalo ng aktres sa gaganaping campaign rally ng Leni-Kiko tandem ngayong araw sa Laguna.