Posible umanong walang papasok na bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR) mula Abril 27 hanggang Mayo 9 na araw ng eleksyon.
Ito ay batay sa pagtaya ngPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules.
Gayunman, sinabi ni weather specialist Junie Ruiz ng PAGASA, maaaring magkaroon ng dalawang low pressure area (LPA) o posibleng pumasok sa Pilipinas sa nasabing panahon.
Nilinaw nito na maliit lamang ang pagkakataong mabuo ang mga ito bilang bagyo.
Nitong Miyerkules, isang LPA ang namataan ng PAGASA sa layong 180 kilometro timog silangan ng Zamboanga City. Ito ay nakapaloob sa intertropical convergence zone (ITCZ).
"We don't expect this to develop into a tropical cyclone. Along with the ITCZ, it would only affect parts of the Visayas, Mindanao and Bicol Region, Romblon and Palawan. Expect light to moderate, with at times heavy rains over these areas tonight," paliwanag naman ni weather forecaster Ana Clauren.
Posible umanong magdulot ito ng flashflood at landslides.
"From May 4 to 10, LPA 1 may likely recurve towards Taiwan, while LPA 2 is also forecast to recurve as it moves towards the Philippine landmass," sabi naman ni Ruiz.
Maaari pa rin aniyang magbago ang tatahakin ng LPA.
"This forecast is also subject (to change) because we used just one model for this forecast. Weather forecasting looks at several models to widen the scheme of forecast. So it is possible that (the presentation) we have shown will still change in the next few days, in the next week," dagdag pa nito.
PNA